MAYO 8 — Naitala ngayong taon ang pinakamaraming enrollees ng Summer Pre-Kindergarten Program (SPKP) sa probinsya ng Abra. Umabot sa dalawang-daan (220) ang nag-enroll mula sa dalawampung (20) lugar at bayan sa lalawigan ng Abra.
Ang SPKP ay proyekto ng Iglesia Ni Cristo sa ilalim ng New Era University. Ang layunin ng programang ito ay upang makatulong sa mga kababayan nating may anak na apat na taong gulang pataas bilang paghahanda sa susunod na pasukan.
Ang proyektong ito ay nilahukan ng mga kabataang miyembro at hindi pa kaanib sa Iglesia Ni Cristo. Ang kanilang pag-aaral ay tatagal hanggang sa katapusan ng buwan ng Mayo. Sa kanilang pagtatapos, ang mga estudyante ay tatanggap ng certificate mula sa New Era University.
(Agile Probinsya Correspondent Roger Vargas, Eagle News Service MRFaith Bonalos)