(Eagle News) — Inaasahang maaabot ng inflation ang pinakamataas na lebel nito ngayong third quarter ng taon.
Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Nestor Espenilla Jr., kabilang sa mga factor na makapagdudulot ng mataas o mabilis na inflation ay ang mas mataas na excise taxes sa tobacco products at ang mas mataas na presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado.
Inaasahan aniya na ang inflation ay babalik sa target na 2 hanggang 4 % sa 2019.
Pumalo sa 5.7 percent nitong Hulyo ang inflation ang pinakamabilis sa nakalipas na limang taon.