Pinakamatandang lokal ng Iglesia Ni Cristo sa Pangasinan nagdiwang ng ika-82 anibersaryo ng pagkakatatag

Masaya at matagumpay ang isinagawang pagdiriwang ng ika-82 taong anibersaryo ng Iglesia Ni Cristo sa bayan ng Rosales, Pangasinan. Naitatag ito noong Hunyo 12, 1934 ang pinakamatandang lokal ng Iglesia Ni Cristo sa buong lalawigan ng Pangasinan.
Isang linggo itong ipinagdiwang ng mga kaanib sa pamamagitan ng ilang aktibidad na pinangunahan ng Ministrong nakatalaga sa nasabing lokal na si Bro. Larry Albarillo.
Ang ilan sa kanilang mga naging aktibidad ay ang mga sumusunod;
  • Pagpupulong ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa nasabing lokal
  • Panonood ng pelikulang Felix Manalo
  • Paglilinis sa kanilang kapilya
  • Blood Pressure Monitoring
  • Pamamahagi ng mga Polyeto at Pasugo (opisyal na magasin ng Iglesia Ni Cristo)
  • Clean-up Drive – nilinis nila ang mga pangunahing lansangan sa Barangay Carmay at Brigada-Eskwela naman sa Carmay East Elementary School.
Nagtapos ang kanilang pagdiriwang sa Get Together kung saan ilang palaro at pagtatanghal ang nasaksihan ng mga kaanib sa INC lokal na ito.
(Eagle News,Raff Marquez, Jae Sabado – Rosales, Pangasinan  Correspondents)

 

Related Post

This website uses cookies.