May 15, 2011 ay itinatag ang PINAS FM 95.5. At sa patuloy na pagtangkilik ng karamihan ay muli na namang ipinagdiriwang ang patuloy na kasiyahan at tagumpay ng istasyon. Kaya naman ngayon (May 15) ay ginugunita natin ang ika-apat na anibersaryo ng estasyon na tinawag na “PinasFuntastic4”.
Simula alas syete ng umaga ngayon ay hindi na mapigil ang pagdagsa ng iba’t ibang guest dito sa studio na pinangunahan ng iba’t ibang DJs ng PINAS FM. Mapa solo artist hanggang sa mga kilalang banda ng industriya ang nagparinig ng kanilang iba’t ibang OPM songs. Nangunguna na dito ang “Prince of RnB” na si Jay-R na nagpakita muli ng talento sa larangan ng pag awit. Nasabi niya na pang apat na rin niyang taon ang pagdalo sa anniversary ng PINAS FM at malaki ang pasasalamat niya dahil sa pagsuporta ng PINAS FM 95.5 sa mga OPM songs and artists. Nasundan pa ito ng marami pang OPM Artist gaya nina Hazel Faith Dela Cruz, K.A Antonio, Franchesca Farr at marami pang iba. Nandito rin ang mga bandang Gracenote, Callalily, 6cyclemind, Banda ni Kleggy at marami pang iba.
Kasabay ng masayang kantahan at kwentuhan sa booth ng PINAS FM, mayroon ding isiinagawang malaking event para sa anniversary concert ng Pinas FM sa Fisher Mall. Pinangunahan ito nila DJ Apple Chiu, DJ Aikee at DJ Davey Langit. Nagsagawa sila ng maraming activities at pinaunlakan ito ng mga solid listeners ng PINAS FM. Ang isa sa mga OPM artist na dumalo dito ay si Noel Mendez na kumanta ng “Tsubibo” at “Halaga”. Totoong masasabi na ang isinagawang anniversary concert dito ay napakasaya dahil na rin sa feedback ng mga nakadalo at nasaksihan ang event na ito.
Bilang isa sa mga nakasaksi ng event na ito ng PINAS FM anniversary special ay totoong masasabi ko na ito ay napakasaya at nag enjoy ako sa lahat ng mga nag perform na mga guest. Napaka successful ng event na ito at sigurado na maraming tumangkilik na mga listeners dito.
Sinulat ni:
Tonelada, Patricia Nicole T.
Tarlac State University