Piñol sa Agriculture Department; Domingo sa PAGCOR

Eagle News — Magiging bagong Agriculture Secretary naman si dating North Cotabato Governor Emmanuel Piñol.

Sa marching order kay Piñol, ipinatitiyak ni Incoming President Duterte ang abot-kayang presyo ng pagkain at walang katiwaliang mangyayari sa Department Of Agriculture.

Sabi ni Pinol matagal pa bago niya mapagtanto na pinangalanan siya ni Duterte bilang susunod na Agriculture Secretary.

Aminado rin aniya siya na hindi madali ang trabahong ibinigay sa kaniya ni Duterte pero umaasa siya na magagampanan niya ito ng maayos sa abot ng kaniyang makakaya.

Samantala, itinalaga naman sa PAGCOR si dating Immigration Chief Andrea Domingo.

Related Post

This website uses cookies.