(Eagle News) — Mistulang Reunion ng pamilya Langamin ang tagpo nang magkita-kita ang mga ito sa pagdating ni Jonard Langamin, ang pilipinong nakaligtas sa parusang bitay sa Saudi Arabia.
Hindi inasahan ni Aling Editha na makakauwi pa nang buhay ang kaniyang anak na si Jonard na halos walong taong pagkakulong sa Saudi.
Sakay ng PR 0683 si Jonard mula Dammam Saudi Arabia na umalis nitong martes ng 7:20 ng gabi at lumapag dito sa Pilipinas alas 10:00 pasado ng umaga kahapon.
Matatandaang nasa “death row” ng Saudi Government si Jonard matapos makapatay ng kapwa pilipinong si Robert Sonendoza noong 2008.
Matapos lumagda ang pamilya Mendoza sa tinatawag na Tanazul o Affidavit of Forgiveness binuno na lamang ni Jonard ang sintensya nito sa nagawang krimen sa ilalim ng Saudi Government.