Samantala maganda ang naging resulta ng laban ng National Powerlifters na nakapag-uwi ng tatlumpu’t-apat na gintong medalya at nagtala ng apat na bagong Asian Records. Dahil dito, ang National Powerlifters ay nakakuha din ng Team Awards. Nakakuha ng third place sa women’s open , second place para naman sa mga sumusunod na larangan katulad ng Women’s Junior,Women’s Sub-Junior, at Men’s Junior sa katatapos lamang na 2015 Asian Powerlifting Championships na ginanap sa Hongkong.
Nadagdagan pa ang mga medalya ng mga Pinoy Powerlifters sa pamamagitan nila Reign Bautista na may tatlong Silver, isang bronze, at tatlong new Asian Records. Si Joan Masangakay naman ay nakasungkit ng apat na bronze medals at nakapagtala ng apat na Asian record. Nakapagtala din ng panalo sina Jasmin Martin at Regie Ramirez ng tig-isang silver medal para naman sa ginanap na World Junior and Sub-Junior Powerlifting Championship sa Prague, Czech Republic.
Sa panayam ng Eagle News Sports kay Power lifting Association of the Philippines (PAP) President Eddie Torres pinuri nya ang pinalamas na lakas at galing ng mga batang powerlifters sa World Championships. Nagbunga raw ang hardwork at dedikasyon sa isinagawang training ng mga batang powerlifters matapos ang ginawang pagharap ang ibat-ibang malalakas na bansa.
Dagdag din ni PAP President Torres “Age Does not limit your Potential as long as you work hard for it.”
Pinuri din ni PAP Board of Director at Chief de Mission Mr. Aspi Calagopi ang naging performance ng Pinoy junior at sub-junior powerlifters. Aniya, “as you grow older you become stronger as far as powerlifting is concern. Powerlifting is not only strength and speed but it also involve a lot of Mental Focus”.
At sa mga sumusunod na buwan apat naman na International competition ang target pang salihan ng National Powerlifters.
(written by Benjamin Bernaldez, edited by Mary Rose Faith Bonalos, additional research by Lovely Ann Cruz)