QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — Umakyat na sa halos tatlong bilyong piso ang halaga ng pinsalang dulot ng bagyong ‘Lawin’ sa imprastraktura at agrikultura.
Pinakamatinding napinsala ang mga imprastraktura sa Regions 1, 2, 3 at Cordillera Administrative Region o CAR.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction And Management Council (NDRRMC), nasa halos labing apat na libong bahay ang nawasak o napinsala sa mga nasabing rehiyon.
Isinailalim naman sa state of calamity ang mga lalawigan ng Cagayan, Isabela, Mountain Province, Ilocos Norte, Kalinga at Apayao.