Pinsala ng bagyong Ompong sa Pangasinan umabot na sa P1.4B ayon sa PDRRMC

Photos courtesy of PDRRMC Pangasinan

Ni Nora Dominguez
Eagle News Service

(Eagle News) — Tinatayang umabot na sa Php 1.4 bilyon ang pinsala ng bagyong Ompong sa lalawigan ng Pangasinan sa imprastraktura at agrikultura.

Sa partial damages report ng Pangasinan Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) as of September 19, ang pinsala sa agrikulta ay umabot na sa Php 1,043,361,280.

Habang ang estimated cost of damages sa mga palay na napinsala ng baha ay umabot na sa Php 986,163,835 o 40,743.20 hectares ng palayan ang napinsala; mahigit sa 8 milyong piso naman ang naitalang damage sa fishery industry; at Php 48,953,895 naman sa assorted vegetables.

Habang ang partial report sa damages ng infrastructure mula sa provincial road at mga tulay ay umabot naman sa Php 25,725,000.

Ayon kay PDRRMC Spokesperson Avenix Arenas, umabot naman sa 20,404 na pamilya o 94,430 na indibidwal mula sa 276 na Barangays at 34 cities and municipalities ang naapektuhan ng bagyong Ompong sa lalawigan.

Ayon sa PDRRMC maaari pang madagdagan ang halaga ng pinsala habang patuloy na tumatanggap ng report ang PDRRMC mula sa counterpart nito na LDRRMC.

“Ang partial damages as of today ay maaari pang madagdagan, dahil ongoing ang assessment sa damages ng bagyo,’ pahayag ng opisyal.

Ayon pa kay Arenas, nagpapatuloy pa ang isinasagawang relief operations sa mga residenteng nakasilong sa mga evacuation center.

Sa monitoring ng PDRRMC, pababa na ang tubig sa mga river system at may mga pagbaha pa rin sa mga mabababang lugar na nasa kahabaan ng Agno River at Sinucalan River na tulad ng Dagupan, Calasiao at Sta. Barbara.

Nagpapatuloy din ang relief operation na pinangungunahan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO).

Nagsasagawa na rin ng quick medical response at feeding program ang Pamahalaang Panlalawigan sa mga evacuation center.

Ayon kay Emil Samson, PSWDO Chief, umabot na sa 14,060 ang naipamahaging relief goods at 700 hygiene kits sa mga naapektuhan ng pagbaha.

Batay sa datos ng PSWDO, mayroong 20 bahay ang totally damaged at 399 naman na kabahayan ang naitalang partially damaged sa naging pagsalanta ng bagyong Ompong.

Dalawa naman ang napaulat na nasawi.

Related Post

This website uses cookies.