(Eagle News) — Nasa halos pitungdaang milyong piso (Php 700M) na ang tinatayang pinsala ng 6.7 magnitude na lindol sa Surigao Del Norte. Ito ang lumabas na report ng Caraga Regional Disaster Risk Reduction Management (RDRRMC) operations center na patuloy na nagmo-monitor sa pinsala ng lindol.
Walo naman ang namatay sa lindol at higit dalawangdaan (200) ang sugatan.
Hanggang ngayon ay umiiral ang red alert status sa RDRRMC.
Kanselado pa rin ang flight sa lalawigan dahil sa matinding pagkasira ng Surigao City Airport.
Nananatili ring suspendido ang klase sa lahat ng antas, subalit may pasok na ang mga empleyado sa mga building na idineklarang ligtas para okupahan.