(Eagle News) — Umabot na sa halos P3 milyong ang halaga ng napinsala sa sektor ng agrikultura dahil sa mga nararanasang pag-ulan.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC Nasa P2.9 milyong na ang naitalang halaga ng pinsala sa agrikultura dahil sa mga pag-ulan na dulot ng nagdaang bagyong Henry at habagat.
Posible pa anilang magpatuloy ang maitatalang pinsala dahil paparating pa lamang ang iba pang impormasyon o ulat mula sa mga field office.
Dagdag pa ng NDRRMC, umabot na sa 116 na barangay sa Metro Manila, Central Luzon, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon (Calabarzon) at Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan (MIMAROPA) regions ang binaha, kung saan 142 lungsod at munisipalidad ang nagsuspinde ng klase.