QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — Muling nagbanta ng panibagong kilos protesta ang grupong Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON).
Ayon kay PISTON National President George San Mateo, kakalampagin nila ang lahat ng tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa buong bansa sa darating na Enero 24.
Aniya, layon nitong ipakita ang kanilang mariing pagtutol sa public utility vehicle o PUV modernization program ng gobyerno.
Kasabay nito, hihilingin din ng grupo sa pamahalaan na ipagkaloob na sa mga jeepney driver at operators ang hinihinging anim na pisong diskwento sa kada litro ng produktong petrolyo, matapos ipatupad ang TRAIN law.