Ang pitong kabang palay ay kuwento ng isang pamilya na nabubuhay sa pamamagitan ng pakikipisan sa pagsasaka, na ‘yung isang masayahin at matalinong anak ay magsisimulang mangarap para sa kanyang pamilya. Batid ni balong ang pagpupursige ng kanyang mga magulang upang maitawid ang pang-araw-araw nilang pamumuhay.
Dahil sa pagmamahal at kasipagan ng kanyang mga magulang, matututunan din ni balong ang maging isang masipag, maasahan at mapagmahal na anak at kapatid. Magsisimula itong mangarap para sa kanyang pamilya. At ito, para sa kanyang mga magulang, ang tunay na tagumpay.
Bida sa pelikulang ito sina Arnold Reyes, Sue Prado at mga batang sina Micko Laurente, Precious Miel Espinosa at Alfonso Ynigo Delen.