CEBU CITY (Eagle News) — Pito na ang naitalang namatay sa Cebu City dahil sa heatstroke kaugnay na rin ng nararanasang matinding init ng panahon bunga ng El Niño phenomenon.
Ayon sa Cebu Provincial Rapid Assessment Team o CPRAT, halos nagmula sa first district ng Cebu ang mga biktima, partikular sa bayan ng San Remegio at Daanbantayan.
Samantala, ayon naman sa Provincial Health Office, karaniwan sa mga biktima ang dati nang may mga sakit at nagkakomplikasyon lamang bunsod ng dehydration dahil sa matinding init at kadalasan naman sa mga biktima ay mga matatanda at mga bata.