(Eagle News) — Nananatiling positibo pa rin sa paralytic shellfish poison ang ilang probinsya sa bansa.
Sa pinaka latest na shellfish bulletin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) di bababa sa pitong probinsya sa bansa ang positibo pa rin sa red tide.
Kabilang na rito ang mga baybayin ng Daram Island, Cambatutay, Irong-Irong, Maqueda, Villareal Bays sa Western Samar, Matarinao Bay sa Eastern Samar, Carigara Bay, Leyte, Lianga Bay sa Surigao Del Sur, Honda Bay, Puerto Princesa City, Palawan, Mandaon Sa Masbate, Bataan kabilang na ang Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Orani, Abucay at Samal
Ang lahat ng klase ng shellfish at alamang na nakukuha sa nasabing lugar ay hindi ligtas kainin.
Pero ligtas naman ang mga isda, pusit, hipon at alimango linisin lamang at lutuing mabuti.
Sa nasabing bulletin, inihayag din ng BFAR na wala ng ng red tide sa baybayin ng inner Malampaya Sound sa Taytay, Palawan.