Planong pagpapatalsik kay Pangulong Duterte totoo – AFP

(Eagle News) — Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na totoo ang planong pagpapatalsik ng komunistang grupo kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay batay sa mga narekober na dokumento ng militar subalit tumanggi naman idetalye ni AFP Spokesperson Col. Edgarad Arevalo sabihin kung kailan narekober ng militar ang nasabing mga dokumento.

Nabuo ng komunistang grupo ang kanilang planong pagpapatalsik sa Pangulo noong kasagsagan ng usapang pangkapayapaan.

Nilinaw naman ni Arevalo na wala silang natanggap na report gaya ng iniulat ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nakikipagsabwatan ang New People’s Army sa Catholic church.

Ayaw ring magkomento ng AFP tungkol sa naturang isyu.

Subalit tiniyak ni Arevalo na credible ang nasabing banta na narekober mula sa mga sumukong miyembro ng CPP-NPA.

Target o deadline na ilunsad ng komunistang grupo ang kanilang balak na pagpapatalsik kay Pangulong Duterte sa darating na buwan ng Oktubre 2018.

“It is credible as it came from recovered documents from surrendered members of the communist NPA, ani Arevalo. Ang NPA rebels na armed wing ng CPP ay may mga balwarteng mga teritoryo sa iba’t-ibang bahagi ng bansa. Ang planong pagpapatalsik kay Pangulong Duterte ay may palugit umanong hanggang Oktubre ng taong ito,” pahayg ng opisyal.

Hindi naman masabi ni Arevalo kung sa anong pamamaraan patalsikin ng komunistang grupo ang Presidente.

Related Post

This website uses cookies.