Plantang gumagamit ng coal sa Bataan nais ipasara ng ilang grupo

LIMAY, Bataan (Eagle News) – Nagsagawa ng Press Conference ang Limay Concern Citizen Inc. at Coal Free Bataan Movement sa Brgy. Lamao, Limay, Bataan na sinuportahan ng iba’t-ibang organisasyon tulad ng Coal Free Central Luzon Movement. Isinisigaw ng militanteng grupo ang mahigpit na pagtutol nila sa mga Plantang patuloy na gumagamit ng coal bilang panggatong para makalikha ng enerhiya.

Ayon sa Press statement ng grupo, ang paggamit ng coal ay pinakamaruming pinagkukunan ng enerhiya at nagiging sanhi ng pagkasira ng ating kalikasan. Nakamamatay ang mga kemikal nito na kumakapit sa mga halaman na kinakain ng tao na nagdudulot ng iba’t-ibang uri ng sakit sa mga residente. Sumisira rin ito sa pangkabuhayan ng mga mangingisda sa Baybaying dagat.

Dagdag pa ng grupo, base sa pagsusuri ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa mga isda mula sa Barangay Alangan na malapit sa planta at nakitaan ng mataas na uri ng Cadmium chromium at mercury mula sa coal ash.

Nanawagan din ang grupo kay Pres. Rodrigo Duterte na dinging na ang matagal na nilang hinaing na tuluyan ng ipasara ang mga plantang gumagamit ng coal.

Larry Biscocho – EBC Correspondent

Related Post

This website uses cookies.