Plastic bag bawal na sa Boracay simula Hunyo 15

MALAY, Aklan (Eagle News) – Mahigpit na ipinagbawal sa Isla ng Boracay ang paggamit ng mga plastic sa mga tindahan at iba’t ibang mga establisimyento simula Hunyo 15.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng Malay, sisitahin ang sinuman na makita na may dalang mga plastic, at kukumpiskahin ang mga ito.
Bawal din magbigay ng plastic ang mga tindahan, mga grocery store at mga vendor.
Ayon sa batas na nilagdaan noong Enero 2017, magmumulta ng Php 1,000 hanggang Php2,000 sa una at ikalawang paglabag, at sa ikatlo ay ikukulong na ng anim na buwan ang lumabag.
Alan Gementiza – EBC Correspondent, Aklan
Related Post

This website uses cookies.