(Eagle News) — Nakahandang gumastos ng P11 billion ang kumpanyang PLDT sa susunod na dalawang taon para pondohan ang modernization plan nito, kabilang ang fiber Internet na naglalayong mapabuti ang Internet speed sa bansa.
Ilalaan ang nasabing budget sa pagro-roll-out ng million fiber ports sa buong bansa at pag-u-upgrade ng fiber optics cable mula sa Digital Subscriber Line (DSL) sa mahigit 1.3 million subscribers.
Ayon kay Marco Borlongan, PLDT First Vice President at Head of Home Business, ile-level up na nila ang kanilang broadband experience sa Fiber Fast Connectivity.
Aniya, ang kanilang DSL Plan ay gumagamit ng copper wire technology na may bilis na hanggang 15 MBPS habang ang fiber plan ay gumagamit ng fiber optic technology na ang bilis ay aabot mula 100 MBPS hanggang 1 GBPS.
(Eagle News Service)