PNK Fun Day, isinagawa sa Cagayan

CAGAYAN, Philippines — Isinagawa ng mga lokal ng Iglesia Ni Cristo sa distrito ng Cagayan East ang PNK Fun Day.

Ang Pagsamba ng Kabataan o PNK ay isang kapisanan sa loob ng INC na binubuo ng mga kabataan mula sa edad na 4 hanggang 12. Layunin ng aktibidad na mapaglapit ang damdamin ng mga bata at masanay sa pakikipagkaisa sa mga aktibidad ng Iglesia Ni Cristo.

Kabilang sa isinagawang aktibidad ang parlor games, salo-salong pagkain para sa mga bata at tagisan ng talino.

Nakatanggap ng papremyo ang mga nanalo sa mga paligsahan na ikinatuwa ng mga bata. Naging matagumpay sa kabuuan ang nasabing aktibidad.

Related Post

This website uses cookies.