KALIBO, Aklan (Eagle News). Ang Aklan Provincial Public Safety Company Personnel sa ilalim ng direktiba ni Police Chief Inspector Arnolito A. Laguerta, Officer In Charge, ay nakipagkaisasa Blood Letting Activity na isinagawa sa Kalibo City Mall.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng National Voluntary Blood Services ng Department of Health, Region VI, sa pakikipagtulungan ng Provincial Goverment sa Aklan, Ang Provincial Health office, Philippine Red Cross, Aklan Blood Coordinating Council at Aklan Blood Network, na ginugunita Ang BLOOD DONORS MONTH 2016, na may Temang “Blood Connects Us All”. Positibo naman ang pahayag ng mga awtoridad sa nasabing aktibidad. Sinabi nila na malaking tulong din sa kanilang kalugsugan ito, para sila ay maayos na makapagserbisyo sa kumunidad.
Courtesy: Alan Gementiza – Aklan Correspondent