TARLAC (Eagle News) – Nakakalat na kasalukuyan sa mga pangunahing lansangan ng iba’t ibang bayan at siyudad sa Tarlac ang mga Police Assistance Desks at Advance Command Posts na inilatag para sa kapakanan ng mga motoristang bumibiyahe para mamasyal at makapagbakasyon sa mga katabing lalawigan.
Ang nasabing programa ay binuo at ipinatupad ng PNP General Headquarters. Ito ay may temang “PNP SUMVAC o Summer Vacation Ligtas na Bakasyon, Serbisyo ng Kapulisan”.
Pangunahing dinadaanan ang Tarlac City patungong Hundred Islands ng Bolinao, Pangasinan at mga beaches sa Zambales. Kaya nagpalagay ang PNP Assistance Desks si Police Supt. Bayani Razalan, Hepe pulisya. Naglagay din si Police Inspector Wilhelmino Alcantara para naman sa tutungong Baguio City, Benguet.
Sa Sta. Ignacia ay naglagay din si Police Chief Inspector Ernie Mendoza Guarin ng Assistance Desk. Sa Camiling ay naglagay naman si Police Chief Inspector Rustico Raposas ng Advance Command Posts, para naman sa mga patungong Pangasinan at Zambales.
Aser Bulanadi – EBC Correspondent, Tarlac