PNP at AFP housing project sa Tarlac, inaasahang makukumpleto sa 2019

(Eagle News) — Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang groundbreaking ceremony ng housing project sa Tarlac para sa mga pulis at sundalo.

Sa talumpati ng Pangulo, matapos ang groundbreaking ceremony sinabi niyang ang bawat housing unit ay mayroong 60 square meters floor area na mas malaki kaysa sa mga nagdaang proyekto.

Isang libong duplex-type housing units ang itatayo sa Casa San Miguel sa Barangay San Agustin at inaasahang matatapos sa susunod na taon.

Kasama rin sa nasabing groundbreaking ceremony sina Senator Joseph Victor Ejercito, National Housing Authority General Manager Marcelino Escalada Jr., Housing and Urban Development Coordinating Council Chairperson Eduardo Del Rosario, Tarlac Governor Susan Yap at Tarlac Mayor Andres Lacson.