TAYTAY, Palawan (Eagle News) – Isang sagupaan ang naganap nitong Biyernes, August 11 bandang 10:00 ng umaga sa bayan ng Taytay nang magkaroon ng palitan ng putukan sa pagitan ng mga awtoridad at mga miyembro ng New People’s Army (NPA).
Kinumpirma ng Provincial PNP, ang naganap na engkwentro sa pagitan ng Regional Public Safety Batallion at umano’y New Peoples Army sa bayan ng Taytay, Palawan.
Ayon kay Col. Gabriel Lopez, tinatayang nasa 20 ang nakasagupa ng mga awtoridad habang nagpapatrolya sa bahagi ng Bgy. Alacalian, Taytay, Palawan. Wala namang naiulat na casualty sa insidente at agad na nagpadala ng tropa ang Wescom upang magsagawa ng checkpoint sa lugar.
Samantala, nakarecover din ng improvised explosive device (IED), mga bala at iba pang mga kagamitan sa lugar na pinangyarihan.
Anne Ramos – Eagle News Correspondent