MANILA, Philippines (Eagle News) — Tumanggi muna si Philippine National Police (PNP) chief Ronald “Bato” Dela Rosa na magkomento hinggil sa pagpasok niya sa top 16 senatoriables base sa isang survey.
Ayon pa kay Dela Rosa, hindi nya muna iniisip ngayon ang pagpasok sa politika.
Sa halip, tututukan muna aniya ni Dela Rosa ang karagdagang tatlong buwan sa serbisyo.
“Trabaho muna ako. Kailangan mag focus. Pag sinabi mo tatakbo ako lahat ng desisyon ko politics na. Wala na sira na diskarte. Ako trabaho lang talaga,” pahayag ni Dela Rosa.
(Mar Gabriel, Eagle News Service)