(Eagle News) — Pinangunahan ngayon ni Philippine National Police chief Ronald Dela Rosa ang isinagawang pagtatapos ng may 186 mga drug surrenderees sa bayan ng Laoac lalawigan ng Pangasinan.
Si Dela Rosa ay nagsilbing guest of honor and speaker sa pagbubukas ng bagong himpilan ng pulis sa bayan ng Laoac, kung saan ay ideneklara na isa nang ganap na drug cleared municipality ang bayan ng Laoac. Dito rin ay iprenesenta ang pagtatapos ng may 186 na drug surrenderer sa nabanggit na bayan.
Dito ay inihayag ni Dela Rosa ang pagbabalik ng double barrel alpha o illegal drug operation ng PNP dahil sa clamor umano ng publiko na ibalik ang illegal drug campaign.
Hinikayat din nito ang suporta ng publiko upang sugpuin ang problema sa droga.
Dumating sa okasyon ang CIDG Chief na tubong Pangasinan at Regional Director ng PRO1 at PD ng Pangasinan PNP at mga opisyal ng pamahalaang panlalawigan.