PNP Chief Ronald Dela Rosa dumalaw sa PRO 11 Davao

DAVAO City (Eagle News) – Dinalaw ni PNP Chief Police Director General Ronald “Bato” Dela Rosa ang Police Regional Office 11 sa Quintin Merecido, Davao City.

Sa kaniyang isinagawang pagdalaw ay pumirma siya sa isang Memorandum of Agreement sa Rotary Club ng Downtown Davao at nakipag-pulong din sa mga opisyales ng Police Regional Officers (PRO) 11.

Sinundan ito ng awarding para sa mga personahe ng Philippine National Police (PNP) uniformed at non-uniformed na naging qualified sa turn over ng Mahindra vehicles sa Regional office 11. Matatandaan na nag-umpisang mamahagi ang PNP ng Mahindra sports utility na mga sasakyan sa mga police stations nationwide noong Mayo 3o nitong taon. Ang nasabing mga Mahindra SUV’s ay binili sa isang private supplier at ito ang gagamitin para sa general dispatch or service vehicles para sa administrative functions, surveillance, training at iba pang command activities.

Naging masaya naman ang kabuuan ng Philippine Regional Office 11 sa pangunguna ni Regional Director PCSUPT Manuel Gaerlan sa nasabing pagbisiti ni PNP Chief Police Director General Ronald Dela Rosa sa PRO 11 Davao.

(Eagle News Haydee Jipolan at Saylan Wens – Davao City Correspondents)

(Photo courtesy of PRO 11)

Related Post

This website uses cookies.