(Eagle News) — Hinamon ni Philippine National Police Chief Ronald “Bato” Dela Rosa ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na iharap sa Senado ang umano’y mga pulis na umamin sa kanila na sangkot diumano sila sa extrajudicial killings ng pamahalaan.
Ayon kay Gen. Dela Rosa, kung totoo ang sinasabi ng umano’y mga pulis ay mas maganda kung makuhanan ang mga ito ng kanilang affidavit at dalhin sa Senado.
Kailangan din daw na masiguro na credible witness ang naturang mga pulis at hindi babawiin ang kanilang pahayag gaya ng ginawa ni PO1 Tacorda.
“As I have said kahit na kami tatamaan, whatever, basta katotohanan lang, huwag lang yung fabricated, gawa-gawa, importantante ang katotohanan. The pill may be bitter but we can swallow the bitter pill kung yan ay totoong pill,” pahayag ni Dela Rosa.