PNP Chief sa mga Pulis: ‘vigilantism’ wag pairalin

Eagle News — Hindi pabor si Philippine National Police Chief Director General Ronald dela Rosa sa ‘vigilantism’ o ang pagpatay ng mga grupo ng sibilyan na sangkot sa iligal na droga sa halip na mga pulis ang magsasagawa nang operasyon.

Tiniyak ni Dela Rosa na magbabantay ito sa mga vigilante at hindi nito papayagan na mangyari ito sa kaniyang pamumuno.

Sinabi ng PNP chief, ang nais nitong mangyari ay dapat “above board” o legal ang lahat ng mga isasagawang ‘police operation’ at sisiguraduhing walang pulis na mang-aabuso sa kanilang tungkulin.

Muli namang hinimok ni Dela Rosa ang publiko na kung may mali silang nakikita sa mga police operation ay magreklamo kaagad ang mga ito.

Binigyang  diin pa ng PNP chief, may nakahanda silang ‘disciplinary mechanism’ sa mga pulis na aabuso sa kanilang tungkulin.

 

Eagle News Service.