MANILA, Philipines (Eagle News) – Nakatakdang ilunsad ng Philippine National Police (PNP) ngayong linggo ang pinakabagong “Bantay Krimen” app. Sa pamamagitan ng nasabing application ay maaaring mahanap sa pamamagitan ng cellphone ang mga lugar na posibleng pinamumugaran ng mga kriminal.
Ayon kay PNP Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM), Executive Director Sr. Supt. Fausto V. Manzanilla Jr., ang bagong app na ito ay location-based mobile app tulad ng Pokemon Go o Waze kung saan makikita ang mga insidente na nag-report ng krimen sa lokasyon.
Ang bantay krimen application ay kabilang sa ilang mga technology-based solutions ng PNP para mapabilis ang paghahatid ng serbisyo sa mamamayan.
courtesy: Jet Hilario