MADRID, Surigao del Sur (Eagle News) – Namahagi ng leaflets o babasahin tungkol sa maayos at ligtas na pagbabiyahe ng mga motorista at mga commuters ang kapulisan ng Madrid, Surigao del Sur. Ito ay dahil na rin sa kasalukuyan ay may mahabang bakasyon.
Nakalakip sa nasabing leaflets ang mga kapamaraanan na dapat maisaalang-alang ng sinumang bumabiyahe para sa kanilang kapakanan o kaligtasan. Maging ang mga dapat ma-check up sa mga sasakyang gagamitin.
Patuloy ang panawagan ng mga awtoridad sa mga motorista na mag-ingat sa kanilang pagmamaneho at siguruhing iwasan ang makainom ng anumang nakalalasing upang makarating ng ligtas sa kanilang pupuntahan.
Dennis Revelo – EBC Correspondent, Surigao del Sur