PNP, magdedeploy ng mahigit 4, 000 security personnel para sa “Du31”

(Eagle News) — Mahigit 4,000 security personnel ang idi-deploy ng Philippine National Police (PNP) para sa tinaguriang “Du31” thanksgiving party para kay president-elect Rodrigo Duterte.

Isasagawa na bukas, Hunyo 4, ang nasabing okasyon sa Crocodile Farm sa Davao City.

Ayon kay PNP Region XI director Manuel Gaerlan, isasara ang operasyon ng Crocodile Farm simula 8:00 ng gabi, Hunyo 3, hanggang 6:00 ng umaga bukas, Hunyo 4, para sa paghahanda sa naturang pagdiriwang.

Magsisimula naman ang naturang thanksgiving party para kay Duterte bukas ng 1:00 ng hapon hanggang 1:00 ng madaling araw sa Linggo, Hunyo 5.

Kaugnay nito, tiniyak ng PNP na magiging mahigpit ang seguridad na ipatutupad bukas.

 

Related Post

This website uses cookies.