PNP-Mariveles namahagi ng flyers upang masugpo ang Motornapping

MARIVELES, Bataan — Naging epektibo ang kampanya at isinagawang pamimigay ng flyers ng Philippine National Police-Mariveles sa publiko laban sa motornapping o laganap na nakawan ng motorsiklo. Naging epektibo ito hindi lamang sa bayan ng Mariveles kundi maging sa buong lalawigan ng Bataan ng maaresto ang dalawang suspek ng pinagsanib na puwersa ng PNP Mariveles, Provincial Highway Patrol Team ng Bataan at mga concerned citizen.

Kinilala ni P/Supt. Cris Conde ang mga suspek na sina Jover Ramos, binata 22 years old, residente ng Brgy. Town Site at Alexis Karen Malonzo, 26 years old, may asawa, residente ng Brgy Mt. View, Mariveles, Bataan. Na-recover sa mga suspek ang mga motorsiklo na kanilang ninakaw.

Ayon sa imbestigasiyon ng pulisya, ang motorsiklo ay pag-aari ni James Natagoc na may plakang 5369-YQ at inamin naman ng dalawang suspek na sila ang nagnakaw sa nawawalang motorsiklo

Nahaharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa RA-6539 o paglabag sa Anti-Carnapping Act of 1972.

(Eagle News, Larry Biscocho – Bataan Correspondent)

 

pic 2

pic 3

pic 6

pic 7