PNP may ikakasang hotline para mapabilis ang pag-aksyon

MANILA, Philippines (Eagle News) — Tiniyak ng Philippine National Police o PNP na agad nilang aaksyunan ang mga lehitimong reklamong ipinararating sa kanila.

Ito ang inihayag ni Senior Supt. Dionardo Carlos, tagapagsalita ng PNP kasunod ng ikakasang hotline ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa iba’t-ibang sumbong ng publiko

Ayon kay Carlos, mayroon din silang ikakasang sariling hotline sa PNP upang makatulong sa mabilis na pag-aksyon sa mga ipinararating sa kanilang impormasyon o sumbong.

Kasalukuyang ginagamit pa rin ngayon ng pulisya ang patrol 117 na nasa ilalim ng Department Of Interior and Local Government (DILG).

Related Post

This website uses cookies.