Narito ang ilang mga safety tips mula sa Philippine National Police (PNP) para sa mga nahuhumaling sa larong Pokemon Go.
• Ingatan ang cellphone habang naglalakad at naghahanap ng Pokemon para hindi mabiktima ng mga snatcher sa kalsada.
• Maging alerto rin sa mga iba pang bitbit na gamit tulad ng bag.
• Huwag anilang mag tresspass at laging humingi ng permiso sa may ari ng lugar kung papasok para manghuli ng Pokemon.
• Iwasan ding pumunta sa mga lugar na madidilim at hindi ligtas.
• Huwag din anilang maglaro ng Pokemon Go kung nagmamaneho o tatawid sa kalsada
• Maging alerto din anila sa kapaligaran habamg naghahanap ng Pokemon.
• At higit sa lahat payo ng PNP, mas mainam na maglaro ng Pokemon Go kung may kasama.
Ang Pokemon Go ay isang augmented reality mobile game app na hahayaan kang makahuli ng mga pocket monsters o Pokemon sa totoong kapaligiran.