PNP, nagbabala sa pag-recruit ng NPA sa pamamagitan ng mga student organization

(Eagle News) — Pinatututukan ng Philippine National Police (PNP) sa mga magulang ang mga aktibidad ng kanilang mga anak lalo na ngayong bakasyon.

Sinabi ni PNP Spokesman Chief Superintendent John Bulalacao na mayroong napapaulat na student organizations na konektado sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).

Ginagamit aniya ng mga rebelde ang mga summer activities sa pag-recruit ng mga estudyante.

Ayon sa PNP, namataan ang ilang college students na kasama ng mga miyembro ng rebeldeng grupo sa ilang lugar sa bansa.

Kinokonsidera anila ang mga estudyante bilang bailiwicks ng NPA.

Bukod dito, sinabi pa ni Bulalacao na mayroon ding ulat na nakikiisa ang ilang estudyante sa pag-atake ng mga rebelde kontra sa tropa ng pamahalaan.