Mar Gabriel
Eagle News Service
Naka-full alert na ang buong pwersa ng Philippine National Police sa buong bansa bilang bahagi ng paghahanda sa nalalapit na bakasyon.
Ibig sbihin nito, kanselado na ang lahat ng leave ng nasa 91,000 na pulis na magpapatrulya at magduduty sa mga itinalagang police assistance desk, ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde.
Sina Albayalde at National Capital Region Police Office Chief Guillermo Eleazar ay nag-ikot sa Metro Manila upang masiguro ang kaayusan sa mga point of convergence.
Una nilang iniinspeksyon ang Araneta bus terminal at ang terminal ng Victory Liner sa Pasay.
Napansin din ni Albayalde na halos wala nang nakukumpiska na kontrabando, senyales daw na natututo at disiplinado na ang mga Pilipino.
Samantala, aabot na sa 26 na insidente ang namonitor ng PNP mula noong magsimula ang Oplan Summer Vacation noong April 5.
Sa 26 na ito, 18 ang drowning incident kung saan 18 din ang nasawi.