PNP Region 6, naka-full alert matapos ang pambobomba sa Davao City

KALIBO, Aklan (Eagle News) – Matapos na mag-deklara ng temporary state of Lawlessness si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa nangyaring pambobomba sa isang Night Market sa Davao City, nakaalerto na ngayon ang mga awtoridad sa buong probinsiya ng Aklan. Mas mahigpit na seguridad ang inilatag ni Acting Provincial Director John Michelle Jamili sa mga pampublikong lugar, tulad ng sumusunod:

  • Tourist destinations
  • Malls
  • Recreation Centers
  • Pamilihang Bayan
  • Parke
  • Paaralan
  • Pampublikong Sasakyan
  • Terminal
  • Airport
  • Seaport

Mas pinagigting din ng mga kapulisan ang Anti-criminality options tulad ng pagpapadami ng mga pulis na idi-deploy at pagsasagawa ng random check points sa iba’t-ibang strategic areas.

Courtesy: Alan Gementiza – Aklan Correspondent