Ni Mar Gabriel
Eagle News Service
MANILA, Philippines (Eagle News) — Buo ang suporta ng Philippine National Police sa pagpapalawig pa ng martial law sa Mindanao sa loob ng isang taon.
Nito lamang Miyerkules, Diyembre 13, ay inaprubahan na ng Kongreso ang hiling ng Pangulo kaugnay ng martial law extension.
Para sa PNP, malaking tulong daw ito sa para pigilan ang anumang banta ng terorismo sa Mindanao at iba pang bahagi ng bansa.
“The threat of terrorism is not that simple. Kahit patay na miymebro ng ISIS, nandiyan pa rin ang kanilang capability, nandiyan ang mga lone wolf,” pahayag ni PNP Chief General Ronald “Bato” Dela Rosa.
Martes nang dumating si Gen. Dela Rosa matapos na makipagpulong sa counterterrorism unit ng Estados Unidos.
Aniya ay katatapos lamang ng kanilang naging pulong nang maganap ang pagsabog ng isang pipe bomb sa subway sa New York kung saan lima ang nasugatan.
Patunay daw ito maging ang US ay hindi ligtas sa banta ng terorismo.
Malaking tulong din ang patuloy na pagpapairal ng martial law sa patuloy na paghabol nila sa mga myembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NP-NDF) na itinuturing na ng gobyerno bilang mga terrorista.
“Our CIDG may efforts na case build up and manhunt operation those covered with warrant of arrest. In due time may mahuhuli tayo,” ayon kay Dela Rosa.
Sa ngayon mahigpit na ipinatutupad ng PNP ang one-strike policy sa kanilang mga city at provincial director na may istasyon na ma ooverrun ng NPA.
Kung dalawang istasyon daw ang ma overrun ng rebeldeng grupo sa isang lugar, posible raw na masibak din sa pwesto ang regional director na may sakop dito.
https://youtu.be/MyQ6CZFwo9Q