(Eagle News) — Wala raw katotohanan ang mga kumalakat na balita sa social media hinggil sa sunod sunod na insidente ng holdapan sa Quezon City.
Ayon mismo kay Philippine National Police Chief Oscar Albayalde, fake news ang lumabas na balita tungkol sa panghoholdap sa Shangrila Chinese Cuisine sa Times Street at sa Starbucks Coffee Shop sa Banawe Street sa Quezon City noong June 1, 2018
Sa isinagawa kasing beripikasyon ng Quezon City Police District, mismong ang management daw at mga empleyado ng nasabing mga establisyimento ang nagpatunay na hindi totoo ang balita.
Sa harap nito, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng QCPD para matukoy at maaresto ang mga suspek sa likod ng nangyaring panghoholdap sa isang Japanese restaurant at mga customer nito sa SCT. Tobias noong Hunyo 1.
Tinutugis na rin ang mga suspek sa snatching incident sa kanto ng Judge Jimenez sa Brgy. Paligsahan.
Muli namang nagpaalala ang QCPD sa publiko na maging responsable sa pagpo-post sa social media upang maiwasang kumalat ang anumang maling impormasyon o fake news. Mar Gabriel