PNP tiniyak na hindi magkakaroon ng whitewash sa imbestigasyon sa marahas na dispersal sa Kidapawan

Tiniyak ng fact-finding team ng Philippine National Police (PNP) na walang dapat ikabahala ang ilang mga grupo sa kanilang gagawing imbestigasyon lalo na ang kanilang pangamba na magkaroon ng whitewash sa kanilang pagsisiyasat hinggil sa madugong dispersal sa Kidapawan City.

Ayon kay PNP spokesperson Police Chief Supt. Wilben Mayor na layon ng pagbuo ng pnp ng fact-finding team ay para maging transparent at mabatid ang katotohanan sa likod ng nangyaring karahasan sa isinagawang kilos protesta ng mga magsasaka.

Sinabi ni Mayor kanilang sinisiguro sa publiko na sakaling may lapses sa hanay ng mga pulis sa Kidapawan mananagot ang mga ito.

Samantala, nanawagan naman ang pnp sa mga rallyista na sumunod sa isinasaad ng batas sa pagdaraos ng demonstrasyon.

Ito’y kasunod na rin ng kaliwa’t-kanang protestang isinagawa ng iba’t-ibang militanteng grupo sa harap ng kampo crame mula pa noong sabado matapos ang naganap na tensyon sa Kidapawan City, North Cotabato kung saan dalawang katao ang nasawi.

Pinakabagong sumugod sa camp crame ang ibat ibang grupo kahapon kung saan pinagbabato nila ng pulang pintura ang gate 1 ng kampo.

Ayon kay Mayor, maaaring kasuhan ang mga rallyista ng vandalism lalot pag aari ng gobyerno ang kanilang niyuyurak.

Iginagalang naman anya nila ang karapatan ng mga tao na makapag pahayag ng saloobin pero dapat din anyang respetuhin ng mga rallyista ang karapatan ng iba.

Related Post

This website uses cookies.