MANILA, Philippines (Eagle News) — Pinabulaanan ni PNP Chief Ronald Bato Dela Rosa ang akusasyon ng Amnesty International na mismong ang Philippine National Police ang nagbabayad sa mga pulis para pumatay ng mga drug user at drug pusher.
Giit ni Dela Rosa, wala silang pondo para sa ganitong trabaho.
Itinanggi rin ng PNP na may kinalaman sila sa 4,744 na naitalang kaso ng murder na kagagawan ng mga hindi kilalang indibidwal.
Sa imbestigasyon ng ginawa ng PNP, 3,459 sa mga kasong ito ay walang kaugnayan sa iligal na droga.
662 naman dito ang lumalabas na personal grudge, 15 ang away sa ari-arian,11 ang work related, sampu naman ang away pamilya habang 1,285 lang ang masasabing drug related.
Sa naturang mga kaso ng death under investigation, 694 na suspek na ang naaresto, 467 na suspek naman na pinaniniwalaang may reaponsable sa 1,212 na kaso ng pagpatay ang tukoy na at nakasuhan na ng PNP sa korte.