Poe at Duterte, statistically tied sa latest Pulse Asia survey

dddd
Senator Grace Poe-Llamanzares (left) and Davao City Mayor Rodrigo Duterte (right)

(Eagle News) — Sa kabila ng isang puntong agwat, itinuturing na “statistically tied’ o parehong nangunguna sina Senadora Grace Poe-Llamanzares at Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa pinakabagong presidential survey ng Pulse Asia.

Nakakuha ng 26 percent si Poe habang 25 percent naman ang nakuha ni Duterte sa naturang survey.

Matatandaang sa nakaraang linggo, nasa ikalawang pwesto pa lamang si Duterte na may 24 percent habang nasa unang pwesto naman si Poe na may 28 percent.

Bumaba ang puntos ni Poe sa kabila ng pagpayag ng Korte Suprema na makatakbo siya sa eleksyon at mabaligtad ang diskwalipikasyon sa kaniya ng Commission on Elections.

Samantala, hindi naman nalalayo sina Bise-Presidente Jejomar Binay na may 22 percent at Liberal Party standard bearer Manuel “Mar” Roxas II na may 20 percent.

Three percent naman ang nakuha ni Senadora Miriam Defensor-Santiago.

Isinagawa ang naturang survey nitong Marso 8 hanggang 13 kung kailan mas marami ang respondents na umabot sa 4,000 mula sa buong bansa.