“Police-Memo” na may bantang pagbobomba ng Abu Sayyaf sa isang mall, walang katotohanan – PNP

DAVAO CITY (Eagle News) — Pinabulaanan ng SM Supermalls Davao at ng Philippine National Police ang lumabas na “Police Memo” sa umano’y bantang pag-atake at pagbomba ng Abu Sayyaf ay walang katotohanan.

Nakasaad sa nasabing memorandum na pinirmahan ni Senior Superintendent Vicente Danao, Jr. na binalaan ang SM Malls Security Team ng Abu Sayyaf.

Nag-demand umano ang grupo ng 15 milyon  pesos. Kung hindi anila maibibigay ang kanilang hinihingi ay kanilang bobombahin ang naturang mall.

Ayon kay Danao, hindi umano dapat mag-alala ang publiko dahil ito ay walang katotohanan. Ayon naman sa tagapagsalita ng SM Supermalls, nagsagawa umano ng imbestigasyon ang kanilang kumpanya at ng local PNP sa iba’t-ibang lugar at lahat ng ito ay pawang kasinungalingan lamang.

Hinikayat ang publiko na manatiling mapagbantay sa lahat ng panahon. Nananatili rin umanong alerto ang SM Supermalls at awtoridad at committed sa security ng kanilang customer, tenants at mga empleyado.

Saylan Wens at Haydee Jipolan – EBC Correspondent, Davao City

   

Related Post

This website uses cookies.