Police scalawags susuportahan ng taga-Basilan para sa pagbabago ng mga ito

ZAMBOANGA CITY, Philippines (Eagle News) – Taos-puso umanong susuportahan ng mga taga-Basilan ang mga tinaguriang Police scalawags na dadalhin sa nasabing isla. Bagaman kaliwa’t-kanan ang batikos sa mga nasabing miyembro ng PNP dahil sa pagkakasangkot sa iba’t-ibang gawaing iligal ay tutulungan aniya ang mga ito ng mga taga-Basilan para tuluyang makapagbagong-buhay.

Ngayong darating na Martes, February 21 ay inaasahang darating na sa Basilan ang mahigit 200 Police. Sila ang mga tinutukoy ng Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot  sa mga iligal na gawain. Handa na rin ang grupong “Kakampi ni Duterte” sa Basilan na pinangungunahan ni Yusoph Mando, National Chairman.

Nanawagan si Mando na huwag muna aniyang husgahan ang mga itatapong pulis sa Basilan, sa halip ibuhos na lamang ang suporta para sa katahimikan ng Basilan. Ayon naman kay Ruben Lambojon, miyembro na nasabing grupo, malaki umano ang papel ng mga taga-Basilan para suportahan ang mga plano ng Pangulong Duterte sa pagpapatapon ng mga Police Scalawags sa Basilan. Titino aniya ang mga ito kung sakaling maibalik na sa kaMaynilaan matapos ang dalawang taon.

Naniniwala rin si G. Max Alejo na makapagbabago ang mga itinuturing na scalawag ng Pangulo kung sakaling tutulong ang mga ito sa katahimikan ng Basilan. Ang Basilan ang tinaguriang balwarte ng mga terorista sa dulo ng Bansa.

Jana Cruspero – EBC Correspondent, Zamboanga City

Related Post

This website uses cookies.