Police team leader sa Mandaluyong shooting incident, nag-AWOL

MANILA, Philippines (Eagle News) — Pinalulutang na ni Philippine National Police (PNP) Chief Ronald Dela Rosa ang team leader ng Mandaluyong Police na sangkot sa shooting incident na nagresulta ng pagkamatay ng dalawang katao.

Kinumpirma ni Dela Rosa na simula pa noong Huwebes ng nakaraang linggo, nag-Absence Without Leave na si Senior Inspector Maria Cristina Vasquez.

Sabi ni Dela Rosa, kung hindi lulutang at susuko si Vasquez, mapipilitan silang magsagawa ng manhunt operations laban dito kapag naglabas ng warrant of arrest ang korte laban sa kanya at mga kasamahan nito.

Kapwa naman inamin nina National Capital Region Police Office Chief Director Oscar Albayalde at Eastern Police District director Chief Supt Reynaldo Biay na hindi dumalo ng inquest proceedings si Vasquez sa kasong homicide at frustrated homicide na isinampa laban sa kaniya at siyam na iba pang police officers.

Pero sabi ni Dela Rosa, hindi dapat mabahala ang mga pulis dahil umaksyon lang sila sa natanggap pero maling impormasyon at ginawa lamang nila ang kanilang trabaho.

Related Post

This website uses cookies.