Pondo para sa “rehab” programs, ipinasasama ni Sen. Angara sa national budget

Screen shot 2016-08-15 at 7.49.10 PM(Eagle News) — Ipinasasama ni Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara sa 2017 national budget ang pondo para sa rehabilitation programs ng gobyerno para sa mga drug dependents na nais magbagong buhay.

Ayon kay Angara,  mag-iiwan ng malaking butas sa proseso ng anti-drug campaign ng Duterte administration kung hindi bibigyan ng importansya ang rehabilitation ng mga dating drug user.

Ang panawagan ay ginawa ng mambabatas, kasabay ng paghahain ng Department of Budget and Management (DBM) sa Kamara ng 2017 proposed national budget na aabot sa P3.3 trillion.

Giit ng senador, kung may alokasyon aniya sa pagpaparusa sa mga pusher, Logical lamang aniya na higit na bigyan ng pondo ang para sa mga user lamang.