Ayon kay Angara, mag-iiwan ng malaking butas sa proseso ng anti-drug campaign ng Duterte administration kung hindi bibigyan ng importansya ang rehabilitation ng mga dating drug user.
Ang panawagan ay ginawa ng mambabatas, kasabay ng paghahain ng Department of Budget and Management (DBM) sa Kamara ng 2017 proposed national budget na aabot sa P3.3 trillion.
Giit ng senador, kung may alokasyon aniya sa pagpaparusa sa mga pusher, Logical lamang aniya na higit na bigyan ng pondo ang para sa mga user lamang.