MANILA, Philippines (Eagle News) — Nangangamba ang Commission on Population (POPCOM) sa pag-taas ng populasyon ng senior citizens na dapat pag-handaan ng gobyerno.
Ayon sa POPCOM, may epekto ito sa ekonomiya lalo’t nakikipag-buno rin ang bansa sa pagtaas ng populasyon ng kabataan.
Pumasok na rin ang bansa sa “ageing population” dahil pitong porsiyento ng populasyon ay binubuo ng senior citizens.
Sa ngayon ay may pitong milyong senior citizen na maaaring dumoble sa 2030.