Prangkisa ng Valisno Bus Express, tuluyan nang kinansela ng LTFRB

Tuluyan nang kinansela ng Land Transportation Franchising & Regulatory Board (LTFRB) ang prangkisa ng Valisno Express Bus kaugnay ng aksidente sa Quezon City noong Agosto ng nakaraang taon.

4 katao ang namatay sa aksidente matapos sumalpok ang Valisno Bus Express na dating Gasat Express sa kongkretong poste sa Quirino Highway noong Aug. 12, 2015.

Agad na ipinag-utos ng LTFRB ang 30-day preventive suspension ng buong unit ng bus company nang maganap ang aksidente.